"Ang Wikang Filipino"
Mapagmalaki ang mga Pilipino, maganda iyon, pero karamihan sa atin ay hindi alam ang pinagmulan ng ating sariling wika. Mahalagang matutunan ang ating sariling wika at ang kasaysayan nito. Dahil isa itong simbolo ng ating pagmamahal sa ating sariling wika.
"Ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa mabaho at malansang isda"
- Jose Rizal
Bakit "Tagalog" at hindi "Filipino" ang tawag sa ating pambansang wika?
Noong Nobyembre 1936 inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na
lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga
katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa at noong Disyembre 30, 1937 sa pamamagitan ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay
ibabatay sa Tagalog.
Abril 1, 1940 -
Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang
balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang
wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19,
1940
Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula
sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Maraming naging impluwensya ang pagpili ng tagalog sa ating bansa tulad ng; Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan; Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya; Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak; Ito ay wika ng Maynila. Ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.
Eh ano naman ang pinagkaiba ng Filipino at Tagalog?
Mayo 13, 1992, na ang Filipino “ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.” Gayumpaman, tulad ng mga Saligang Batas ng 1973 at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang Tagalog at, dahil doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang katutubong wikang Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang Cebu at Davao.
Kailanngan nating pangalagaan ang ating sariling wika dahil kapag ito ay tuluyan nang naglaho parang wala naring mga Pilipino. Sa kasalukuyan may mga nagsasabe masmaganda ang salitang Ingles kaysa sa Tagalog, kung ganon edi hindi ka Pinoy. Mayroong mga eskwelahan sa Pilipinas kung saan karamihan sa mga estudyante ay bumabagsak at ang dahilan nila ay - "hindi maintindihan ng maayos yung subject kase English" - sinuri ng gobyermo kung alin ang masmaganda - Ingles o tagalog ang salita pagdating sa edukasyon ng mga estudyante.
Ang mga libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas at ibang mga bansa at Physics ay pinalitan ng salitang tagalog. Matapos ang ilang taon ang naging resulta ng experiment ay positibo, masmaraming mga estudyante ang pumapasa kada taon dahil masnaiintindihan nila ang mga sinasabi ng kanilang mga guro at libro.
Dito pinapakita na ang ating wika ay di basta lamang ginagamit para magkaintindihan kayo ng pamilya o mga katropa mo kundi ito ay maraming magandang naidudulot, tulad ng ginawang experimento, masnagkakaintindihan tayo kumpara sa ibang salita. Kaya kailangan natin itong mahalin, pagyamanin at ipagmalaki dahil ito ay ang salita ng ating bayan.
Pinagmulan: en.wikipedia.org
#VPESTABILLO
No comments:
Post a Comment